^

Punto Mo

Maari ba ang suspensiyon sa trabaho ng mahigit isang buwan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Mahigit isang buwan na po akong suspendido sa trabaho dahil sa umano’y violation ko raw ng aming company policy. Tinanong ko ang employer ko kung kailan ako maaring bumalik sa trabaho pero wala silang masabi dahil nasa ilalim pa rin daw ako ng preventive suspension at pinag-aaralan pa raw ang kaso ko. Tama ba na hindi pa rin ako pinapapasok hanggang ngayon? Salamat po sa sagot.—Aiko

Dear Aiko,

Sa ilalim ng Omnibus Rules Implementing the Labor Code, ang preventive suspension ay maaring magtagal lamang ng hanggang tatlumpung (30) araw. Pagkalipas ng 30 araw, dapat makabalik na ang manggagawa sa kanyang trabaho. Bagama’t maaring i-extend ng employer ang panahon ng suspension, kakailanganin nang bayaran ang karampatang sahod at ibang benepisyo para sa mga karagdagang araw ng suspension.

Mahalaga rin na malaman kung akma ba ang pagpataw ng preventive suspension sa sitwasyon mo. Ang preventive suspension kasi ay para lamang sa mga sitwasyon kung saan makapagdudulot ng panganib o peligro sa buhay o ari-arian ng employer o ng kanyang kapwa empleyado ang pananatili sa trabaho ng empleyadong iniimbestigahan. Hindi ito parusa, at ito ay isinasagawa lamang para sa kaligtasan ng lahat at sa maayos na imbestigasyon ukol sa naging violation ng empleyado.

Ngayong lampas na ng 30 araw ang iyong pagkakasuspinde, dapat ay pabalikin ka na sa iyong trabaho at bayaran dapat ang mga araw na ikaw ay suspendido na higit sa itinakda ng batas. Maaring pagbasehan ng labor complaint kung magmatigas ang employer mo na hindi ka muna pabalikin sa iyong trabaho o kung tumanggi sila sa pagbabayad ng sahod na dapat ay natanggap mo.

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with