Brand ng cat food sa U.S., magbubukas ng restaurant para sa tao!
INANUNSIYO ng isang sikat na American cat food brand na magbubukas sila ng isang cat food-inspired restaurant sa New York City na ang kanilang target customers ay mga tao!
Tinawag na “Gatto Bianco”, ang restaurant ay isang popup restaurant na bukas sa mga customers at sa kanilang alagang pusa. Ang mga menu ng Italian-style trattoria ay inspired sa mga cat food ng nasabing brand.
Gawa ang menu ng chef na si Amanda Hassner at Michelin Star-winning Italian chef Cesare Casella. Matatagpuan ang restaurant sa West Village and Meatpacking District at magbubukas ito sa Agosto 11 hanggang 12.
Maaasahan na makikita ng customers sa restaurant ang puting pusa na kilalang mascot ng cat food brand.
- Latest