^

Punto Mo

EDITORYAL - Bilyong pisong bakuna nasayang lang

Pang-masa
EDITORYAL - Bilyong pisong bakuna nasayang lang

NASA 1.5 milyong doses ng bakuna (AstraZeneca at Moderna) na nagkakahalaga ng P5.1 bilyon ang nag-expired noong Hulyo 31. Hindi na puwedeng gamitin. Itinapon na lang ang bilyong pisong bakuna na kung naiturok ay marami sana ang naproteksiyunan laban sa COVID. Ngayon ay may nagbabanta na namang Omicron sub-variant na tinatawag na Centaurus. Mas madali raw makahawa ang sub-variant na ito.

Ang mga nasayang na bakuna ay binili ng mga pribadong kompanya. Ang AstraZeneca ay nagkakahalaga ng $5 bawat isang dose samantalang ang Moderna ay $27.

Una nang sinabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion noong nakaraang buwan na nararapat gamitin ang bakuna kaysa hayaang ma-expire ang mga ito. Ayon kay Concepcion, malaking pera ang masasayang kaya dapat pagsikapan ng pamahalaan na maibakuna bago mawalan ng bisa. Maaari naman daw gamitin bilang booster ang mga bakuna. Ayon pa kay Concepcion dapat baguhin ang age limit ng bibigyan ng ikala­wang booster shot sa 50-59 anyos para marami ang mabakunahan.

Subalit hindi nanaig ang panawagan ni Concepcion kaya maraming na-expired noong Hulyo 31. Ayon naman­ sa isang report, puwede raw palitan ang mga na-expired na bakuna. 

Kung umaksiyon ang Food and Drugs Administration­ (FDA) at binago ang age limit sa mga bibigyan ng booster shots, maaaring walang nasayang na bakuna. Marami na ang willing magpabakuna pero mabagal ang pamahalaan sa pagsasagawa. Marami namang mall ang willing na doon gawin ang vaccination pero nakapagta­takang mabagal gumalaw ang pamahalaan sa pagsasaayos.

Sinabi kamakailan ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na target nilang makapagbakuna ng 23 milyong Pilipino bago ang 100 araw ni President Marcos Jr. First booster shots daw ang kanilang ipagkakaloob sa mamamayan.

Pero paano ito maisasakatuparan kung may kaba­galan sa pagkilos. Dapat pakilusin lahat upang maabot ang target. Ayon sa report, 50 milyong Pilipino ang nanga­ngailangan ng first booster shots.

Ang pagkasayang ng mga bakuna ang dahilan kung bakit naghahanda ang Senado na mag-imbestiga. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, hahalungkatin nila ito para malaman ang katotohanan sa pagkasayang ng mga bakuna na bilyong piso ang halaga.

Sana may mangyari sa isasagawang imbestigasyon at hindi matulad sa mga nakaraan na nagsayang lang ng oras.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with