^

Punto Mo

Kaalaman tungkol kay baby (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Kung tutuusin, hindi sumasakto sa due date ang paglabas ng sanggol sa tiyan ng kanyang ina. Ilang araw naaantala ang paglabas ng sanggol sa sinapupunan base sa kanilang due date? On average, ang babaeng sanggol ay naaantala ng isang araw sa paglabas kaysa lalaking sanggol. Mas naaantala ng 5 days ang white babies kaysa black babies. Samantalang 6 days naman ang pagkaantala ng Indian babies kumpara sa white babies.

Malaki ang tsansang magsilang ng kambal sa Nigeria ay 22-1 (sa bawat 22 isinilang, isa ang tsansa na may kambal). Sa Japan ang pinakabihirang magkaroon ng kambal: 200-1.

Isang sanggol ang isinisilang kada 3 segundo sa buong mundo.

Sa pangkalahatan, mas mabigat ang timbang ng bagong silang na lalaki kaysa babae.

Ang mga sanggol ay may natural swimming abilities at kaya nilang magpigil ng pag­hinga sa ilalim ng tubig. Ngunit ang abilidad na ito ay mabilis din nawawala.

Sa Europe bago sumapit ang 1890, hindi nila ipinapasuso ang gatas ng baka sa mga sanggol. Nag-aalala silang tumalab sa pagkatao ng sanggol ang ugaling hayop paglaki nila.

Noong medieval period (1066 to 1485) sa Europe, kaya raw iyakin ang sanggol ay dahil inferior breast milk ang kanyang sinususo. Sinasabing mababang uri ang breast milk kung hindi healthy ang ina na nagpapasuso.

BABY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with