^

Punto Mo

Appointees ni PBBM, mga batikan at hinog sa karanasan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAGANDANG halimbawa ang ipinapakita ng administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos Jr. sa pagtatalaga ng mga bihasa na sa kanilang magiging trabaho, kahit hindi nito saradong kapartido at kasamahan.

Ang appointment ni Benhur Abalos bilang DILG Secretary ay tugma sa karanasan nito bilang dating mayor ng Mandaluyong City. Maging ang bagong director ng NBI na si Medardo de Lemos ay matagal nang nanunungkulan sa bureau kaya hindi na kayang paikutin ang ulo nito sa maseselang uri ng imbestigasyon.

Sa Bureau of Customs, itinalaga si Yogi Filemon Ruiz na dati nang Customs Police Director. Bihasa na si Ruiz sa usaping pangkargamentos at kilala na niya ang players sa bakuran nito. Madali nitong marereporma ang BOC kung susundin ang gustong mangyari ng presidente. Sige nga Yogi, pakitaan mo si Bongbong!

Nakakapagtaka lang na sa Department of Agriculture ay wala siyang mapili. Dahil kaya sa puro bulok ang opisyales nito? Ala eh! Nakakapagtaka laang naman, ha-ha-ha!

Malaking bentahe rin sa gobyerno ang pagkakapili kay Jerry Acuzar bilang bagong pinuno ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD). Dahil sa mahaba nitong karanasan sa industriya ng pabahay. 

Isa si Jerry Acuzar sa mga natulungan noon ni dating Quezon City Mayor, House Speaker at GSIS President Sonny Belmonte upang magtayo ng pabahay para sa government employees sa murang halaga lamang. Walang anomalyang kinasangkutan si Jerry at matiyaga itong umahon mula sa pagiging simpleng housing czar.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with