^

Punto Mo

Maari bang mag-withdraw sa bank account ng namayapa na?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Namayapa na po noong isang buwan ang aming ama at may naiwan siyang mala­king halaga sa banko. May nakapagsabi po sa amin na kailangan muna naming bayaran sa BIR ang tax sa kanyang mga naiwang ari-arian bago namin ma-withdraw ang nilalaman ng kanyang bank account. Tama po ba ito? Wala po bang paraan para ma-withdraw kahit ang bahagi lang ng bank account ng aking ama? —Leslie

Dear Leslie,

Dahil sa Republic Act 10963 o TRAIn Law, hindi na kailangang bayaran ang buong estate tax na ipapataw sa kabuuang halaga ng mga ari-ariang naiwan ng namatay bago ma-withdraw ng kanyang mga kaanak ang nilalaman ng kanyang bank account.

Salamat sa TRAIn Law at napabilis na ang pagwi-withdraw ng mga heirs o tagapag-mana mula sa  bank account ng namayapa dahil babawas na lang ang banko ng 6% final withholding tax sa inyong iwi-withdraw. Ang halagang binawas dito ay magsisilbing bahagi ng estate tax kaya ibabawas na ito sa komputasyon ng kabuuang halaga ng estate tax na kailangan n’yong bayaran sa BIR.

Bago makapag-withdraw, kailangan n’yo munang i-secure ang BIR Form No. 1904 at tax identification number o TIN ng estate ng namayapa dahil ito ang iprepresenta niyo sa banko kapag hihiling na kayo ng withdrawal. Kailangan n’yo na ring siguraduhin na nakahanda ang mga patunay ng inyong pagkakakilanlan bilang tagapagmana ng inyong ama at iba pang mga dokumento na maari ring hingin ng banko.

vuukle comment

BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with