^

Punto Mo

Yumaong 99-anyos na lola sa Mexico, hiniling na lagyan ng estatwang hugis ari ng lalaki ang kanyang puntod!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING tourist attraction ngayon ang sementeryo ng Misantla Mexico, hindi dahil may celebrity na nakalibing doon kundi dahil sa re­bulto na hugis ari ng lalaki na itinirik sa puntod ng isang 99-anyos na lola!

Ilang taon bago sumakabilang buhay, sina­sabi na ni Catarina Or­duna Perez o “Doña Cata” sa kanyang pamilya at mga kaibigan na gusto niyang may rebulto ng ari ng lalaki sa kanyang magiging puntod. Ang akala ng lahat ay hindi ser­yoso ang matanda at nagbibiro lamang ito

Ngunit ilang araw bago pumanaw si Doña Cata noong Enero 20, 2021, inulit nito ang kakaibang kahi­lingan na lagyan ng rebulto na hugis ari ng lalaki ang kanyang libingan.

Nagkaroon nang mala­king diskusyon ang buong pamilya ni Doña Cata dahil alam nila na maaaring gumawa ng eskandalo ang rebulto. Inabot man ng ilang buwan ang pagdedesisyon ng pamilya, dumating ito sa konklusyon na susundin nila ang huling habilin ng matanda.

Noong Hulyo 28, 2022, itinirik ang mahigit limang talampakan na rebultong hugis ari ng lalaki sa libi­ngan ni Doña Cata. May bigat na 600 pounds ang rebulto.

Sa panayam sa apo na si Alvaro Mota Limon, sinabi nito kilala sa kanilang ba­yan ang kanyang lola bilang mabait, open minded at hindi mapanghusga sa kapwa. Dagdag pa nito, Kahit agaw pansin ang rebulto, sinunod nila ang huling kahilingan ni Doña Cata dahil gusto nito na kahit wala na siya sa mundong ito ay matatandaan siya ng mga tao ng kanilang bayan sa Misantla.

MEXICO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with