^

Punto Mo

Tagubilin ni Bongbong kay Yogi, may mangyari kaya?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

INORDERAN ni President Bongbong Marcos Jr. si bagong Bureau of Customs (BOC) chief Yogi Filemon Ruiz na paigtingin ang pagbabantay sa mga papasok na baril at droga. Iniutos din kay Ruiz ang pagpapalaki ng koleksiyon gamit ang digital technologies. Masunod sana!

Director na sa Customs police si Yogi mula pa 2017 kaya kilala na nito ang technical smugglers sa bureau. Misdeclarations of true volume and values, quantities, misclassifications lamang ang pangkaraniwang violations na naitatala sa accomplishments ng BOC law enforcers. May tinatawag na mga espesyal na kargamento ang brokers, konti lang siyempre ang nakaaalam, he-he-he!

Hindi maabot ng BOC law enforcers ang mga nasa laot at pri-badong piers dahil hindi pa totally modernized ang BOC. Tanging ang Philippine Coast Guards ang makakahuli sa smugglers sa laot.

Kapabayaan ng Agriculture officials kaya nakakakuha ng import permits ang players gamit ang prebilehiyo ng Asean Free Trade Agreement (AFTA). Ito ang nagpatupad ng zero tariff at VAT lamang ang binabayaran sa gobyerno sa imported agricultural products. 

Umano’y 97 percent na transaksyon sa BOC ang nakapaloob na sa digital Harmonized Commodity Descriptions and Coding System (HS) sa BOC. Pero marami pa rin ang natitimbog na smuggled na gulay, bigas, sigarilyo at ukay-ukay sa piers. Matimbog kaya ni Yogi ang mga ito? Abangan!

BONGBONG MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with