^

Punto Mo

Probationary employee, maari bang tanggalin ng basta-basta?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tinanggal po ako sa trabaho bilang isang probatio-nary employee. Agaran po ang pagtanggal sa akin dahil isang linggo bago matapos ang aking probationary period ay nakatanggap ako ng sulat mula sa kompanya na nagsasabi na ako raw ay hindi na makakapasok pagkatapos ng aking probationary period. Maari po ba akong magreklamo ng illegal dismissal laban sa kompanya matapos akong tanggalin sa trabaho ng ganoon na lang?—Gelly

Dear Gelly,

Kung ikaw ay tinanggal dahil sa mga tinatawag na “just cause” o iyong mga dahilan na may kinalaman sa iyong maling ginawa o kapabayaan sa trabaho, dapat ay binigyan ka muna ng pagkakataong magpaliwanag bago ka inalis sa trabaho. Kung “authorized cause” naman ang dahilan ng iyong pagkakatanggal katulad ng pagkalugi ng kompanya o pagkakaroon ng sobrang empleyado ay kailangang nabigyan ka ng notice isang buwan bago ang iyong termination. Kung angkop man ang isa sa mga ito sa sitwasyon mo, ay masasabi nating hindi alinsunod sa tamang proseso ang iyong pagkakatanggal at maari itong pagbasehan ng reklamo.

Ngunit kung ang pagkakatanggal mo naman ay dahil sa hindi ka nakapasa sa standards na itinakda ng kompanya na ipinaalam naman sa iyo nang magsimula ang iyong probationary period, ay wala akong nakikitang basehan para sa pagrereklamo ng illegal dismissal.

Ang mga probationary employees kasi ay maaring tanggalin matapos mabigyan ng isang notice lamang, kung ang dahilan ng kanilang pagkakatanggal ay dahil hindi sila nag-qualify bilang regular na empleyado.

Hindi na kailangan masunod ang “twin notice” rule kaya hindi na kailangang bigyan ng notice na nagbibigay ng pagkakataon sa empleyado na makapagpaliwanag.

Ang nakasaad lamang sa batas ay dapat maibigay ang written notice sa probationary employee at kailangan itong maibigay ng may sapat na panahon bago ang petsa ng kanyang terminasyon.

 

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with