^

Punto Mo

Mission: Impossible, kaya ba ni Bongbong?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAHAHARAP ang sangkatauhan sa isang world economic recession dahil sa pandemya, giyera at global warming. Napakahirap sagupain ang tatlong mala-delubyong sumpa na hinaharap ngayon.

Agrikultura at edukasyon ang pangunahing binibigyan ng atensyon ng bagong administrasyon. Subalit nakasalalay ang mga ito sa transportasyon at enerhiya na kapwa kailangan ng krudo at langis na napakataas ng presyo.

Bumababa man ang kriminalidad sa mga barangay, patuloy naman ang smugglers sa mga pier. Nagbabayad daw naman sila ng “right of way” sa mga nakaupo sa Bureau of Customs. Aber, pakiramdaman nga natin ang kakayahan ni bagong BOC commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Masamang sitwasyon sa ekonomiya ang isinasangkalan ng mga rebeldeng grupo kaya madali silang maka-recruit ng mga kabataang estudyante. Ang katotohanan, sila ang pangunahing dahilan kung bakit lumalaki ang kinakailangang salaping pondo ng AFP at PNP na dapat ay magamit sa ikabubuhay ng sambayanan.

Ang prestihiyosong negosyo ng pulitika ang pinakamalaking sagabal sa pag-asenso ng industriya. Magastos kumandidato kaya kailangang bawiin nila ito mula sa pondo ng gobyerno. Magnanakaw daw sila, umaamin ba naman?

Humaharap si PBBM sa isang mala-imposibleng misyon kaya ang mahiwagang tanong ay kung kakayanin niya ito. 

Tinapos daw ni Pres. Digong Duterte ang termino nito na nagmula sa average na panalo pero nanatili sa mataas na approval ratings. Nagsimula naman si PBBM sa isang landslide na panalo. Sana naman, positibong milagro ang maging ending nito!

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with