^

Punto Mo

Farm-to-market road noon, roads for housing subdivisions ngayon!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAGAGANDANG bahay ang tumubo sa mga bukirin na dating taniman ng palay at gulay. Ito ang dahilan kaya dumami ang smugglers ng bigas at gulay.

Kung sisilipin ang mga naging resulta ng farm-to-market road projects, nakakapraning isipin. Kung ang intensyon ay iangat ang buhay ng mga magsasaka, suklian ang political campaign contributors na housing developers. Tama ba, billiard king Efren?

Ang maruruming squatters area sa kalunsuran ay naging barangay at ginawang modelo ng kahirapan. Sinamantala ito ng political exploiters na mistulang mga sindikato. Lider ang kumita na naging barangay captain pa nila. Sindikato talaga ang pulitika. Tama ba Maritess?

Imbes unahin ng gobyerno ang on-site housing development program tulad ng BLISS housing na sinimulan ni dating Pres. Ferdinand Marcos Sr. noon, tinawag pa silang illegal settlers ng sariling gobyerno. Ginawang malls at sa karatig, tinayuan ng condominiums na ang nakabili ay dayuhan. Kawawang Juan, ibinalik sa kabundukan!

Naging modelo sa Asia ang pag-asenso ng Singapore na tumitingala noon sa Pilipinas. Wala silang agricultural lands na tulad ng Pilipinas at Vietnam kaya commercial districts ang pinagtuunan. Nilampasan na tayo ngayon ng war-torn Vietnam sa agrikultura. Nakakahiya di ba?

Umasenso ba ang mga magsasaka sa farm-to-market road projects? O pinalawak lamang ang mga kalsada para magmahal ang presyo ng subdivision sa mga kanayunan na naging siyudad kalaunan. Pasensiya na sa mga tinamaang bilyonaryong housing developers!

FARM

SMUGGLER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with