^

Punto Mo

F2F classes, dahan-dahanin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Target ng pamahalaan na masimulan ang 100% na face-to-face classes sa darating na Nobyembre.

Pero sa buwan ng Agosto nais na itong iarangkada nang unti-unti.

Layon nito na maibalik sa normal na paraan ang pag-aaral ng mga estudyante.

Magugunitang naging online at ang iba ay sa modules lamang ang naging paraan ng pag-aaral dahil sa naranasang COVID-19 pandemic.

Mukhang hindi ito naging epektibo, dahil hindi lang ang mga mag-aaral ang tila nahirapan, maging ang kanilang mga magulang na umaagapay sa kanila na siyang naging pansamantalang guro. Mahirap man marahil na aminin, iba pa rin ang nasa eskuwelahan ang mga mag-aaral at ang mga guro ang siyang nagsasagawa ng lecture at pagtuturo.

Kaya naman sa unti-unting pag-igi ng sitwasyon sa COVID, nais na nga ng pamahalaan na makabalik na sila sa mga paaralan. Pero eto nga at hindi pa man tuluyang naipapatupad, baka maiba na naman ang pangyayari.

Kasi nga nakikitaan na naman nang pagtaas sa mga kaso ng COVID, kaya nga may ilang magulang ang nananawagan na dapat umanong dahan-dahanin ang F2F classes, para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante.

Puspusan naman ang paalala rin ng pamahalaan sa mga dapat na magpabakunang mag-aaral para may proteksyon sila sa banta ng COVID. Hindi lang naman ang tungkol dyan ang dapat na masiguro sa pagbabalik ng F2F classes.

Marahil dapat din matiyak kung sapat ang mga pampublikong transportasyon bago pabalikin sa mga paaralan ang mga estudyante.

FACE TO FACE CLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with