^

Punto Mo

Ari-ariang isinangla, mapupunta ba sa pinagsanglaan kapag hindi nakabayad ng utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Umutang po ako ng P500,000 sa kaibigan ko na kailangan kong hulugan buwan-buwan sa loob ng isang taon. Pumayag din siya na magpautang dahil isinangla ko sa kanya ang kapirasong lupa ko sa probinsiya. Nakasaad po sa kasunduan namin na kung hindi ako makabayad ng buwanang hulog ay tuluyan nang mapapasakanya ang lupang isinangla ko. Iyon na nga po ang nangyari dahil noong nakaraang buwan ay hindi ako nakabayad kaya sinabihan ako ng kaibigan ko na ookupahin na raw niya ang lupa sa lalong madaling panahon. Sinabi ko na babayaran ko na ang hulog na nakaligtaan ko ngunit tinanggihan niya ito at sinabing kukunin na lang daw niya ang nakasanglang lupa. Hindi ko na po ba mababawi ang lupa?-- Alex

Dear Alex,

Hindi mo na kailangang bawiin ang lupa sapagka’t hindi naman ito mapupunta sa pinagsanglaan mo. Bawal kasi ang istipulasyon sa kasunduan ninyo kung saan automatic na mapapasakamay ng pinagsanglaan ang anumang bagay na isinangla sakaling hindi makabayad ang umutang. Pactum commissorium ang tawag dito at labag ito sa batas sa ilalim ng Article 2088 ng Civil Code.

Ang tamang hakbang ng mga pinagsanglaan kung sakaling hindi makabayad ang nagkakautang sa kanila ay ang ipa-foreclose ang ari-ariang isinangla, ibenta ito sa isang subastahan, at saka bawiin ang utang mula sa napagbentahan. Maari rin mapunta sa pinagsanglaan ang ari-ariang isinangla kung siya mismo ang manalo sa subastahan at bumili sa ari-arian.

Ngunit hindi na mahalaga ang mga hakbang na ito dahil nabanggit mo naman na may pambayad ka na sa utang mo kaya ang maaring mong gawin kung ayaw pa ring tanggapin ang bayad mo ay pumunta ka sa korte at doon mo ibigay ang pambayad mo sa pamamagitan ng tinatawag na “consignation” upang ang korte na ang bahalang mag-ayos ng gusot ninyong dalawa.

vuukle comment

DEBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with