^

Punto Mo

EDITORYAL - Plastic pollution tumitinding problema

Pang-masa
EDITORYAL - Plastic pollution tumitinding problema

MATINDI ang problema sa plastic pollution at pinansin na ito ni President Marcos Jr. nang magtalumpati siya sa kanyang inagurasyon noong Huwebes. Ayon sa kanya, ikatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na plastic polluter. Nangako siya na sosolusyunan ang problema. Lilinisin umano niya ang kalat.

Mabuti at habang maaga, napagtuunan ni Marcos ang problema sa plastic pollution na nakaligtaan o napabayaan ng mga nagdaang presidente. Dahil sa kapabayaan, naging sikat ang Pilipinas sa pagiging plastic polluter.

Ayon sa pag-aaral na nalathala sa Science Advance Journal, ang Pasig River ay nakakapag-contribute ng mahigit 356,000 metriko tonelada ng plastic na basura sa karagatan bawat taon.

Problema ang plastic na basura hindi lamang sa Metro Manila kundi sa maraming lugar sa bansa. May mga ipinatupad na batas ukol sa pagbabawal sa paggamit ng plastic pero ningas kugon lamang. Sa simula lang ipinatutupad at pagtumagal, wala na.

Noong Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan. Subalit wala nang narinig ukol dito. Patuloy pa rin ang paggamit ng single-use plastics.

Ang mga single-use plastics na kinabibilangan ng sachets ng shampoo, hair conditioner, 3 in 1 coffee, catsup, toothpaste, straw at mga sando bags na kara­niwang ginagamit sa palengke ang nakatambak sa mga estero at kanal at nagiging dahilan nang pagbaha.

Nagbabala ang coalition ng environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single use plastic, aapaw ang may 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila.

Ngayong nangako si Marcos na lilinisin ang mga plastic na basura, pakilusin na niya ang DENR at iba pang ahensiya para mapigilan ang paglubha ng plastic pollution. Hindi dapat ningas-kugon sa pagsolusyon sa problemang ito.

PLASTIC POLLUTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with