^

Punto Mo

Mayor ng isang bayan sa Mexico, nagpakasal sa buwaya!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BILANG taunang tradis­yon­, pinakasalan ni Victor Hugo Sosa Garcia, mayor ng San Pedro Huamelula, Mexico ang isang buwaya!

Ayon sa tradisyon, ka­ilangang pakasalan ng mayor ang prinsesa ng mga buwaya. Sinisimbolo ng matandang ritwal na ito ang pagsasanib puwersa ng dalawang ethnic group sa Huamelula, ang mga Huaves at mga Chontales na naganap 230 taon na ang nakalilipas.

Dinadamitan ng wedding gown ang isang buwaya at ipaparada ito papunta sa munisipyo at doon magaganap ang kasalan.

Sa panayam kay Mayor Garcia, sinusunod nila hanggang ngayon ang lumang tradis­yon na ito dahil naniniwala sila na nagdadala ng suwerte ito sa mga mangingisda sa kanilang bayan.

Ang pangunahing kabuhayan sa San Pedro Huamelula ay pangingisda kaya naniniwala sila na ang pagpapakasal ng mayor sa isang buwaya ay pagpapakita ng pakikiisa ng tao sa kalikasan.

Dahil sa kakaibang tradisyon na ito, libu-libong turista mula sa buong Mexico ang dumadalo sa kasalan upang makisaya sa mga mamamayan ng San Pedro Huamelula.

 

MEXICO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with