^

Punto Mo

EDITORYAL - Kung jeepney driver kaya ang nakasagasa?

Pang-masa
EDITORYAL - Kung jeepney driver kaya ang nakasagasa?

HUMARAP noong Huwebes kay Philipine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao ang driver ng sport utility vehicle (SUV) na sumagasa sa security guard sa Mandaluyong City noong Hunyo 5. Nagdaos ng press conference sa Camp Crame. Kasama ng suspect na si Jose Antonio Sanvicente ang kanyang mga magulang at abogado. Humingi ng tawad ang suspect sa sinagasaang sekyu na si Christian Floralde. Nataranta umano siya at hindi malaman ang gagawin. Ayon sa kanyang abogado, hindi raw gusto ng kliyente niya ang nangyari. Natakot daw ito at nagpanik. Sabi ng ina ng suspect, sino raw ba ang may gusto na takbuhan ang biktima.

Nag-viral sa social media ang video ng pagbundol sa sekyu na si Floralde habang nagtatrapik. Pero sa halip na tumigil ang SUV na minamaneho ni Sanvicente, umarangkada ito at ginulungan si Floralde na tinamaan sa tadyang at dibdib. Parang pusa na nasagasaan at kumisay-kisay. Dinala sa ospital ang biktima samantalang tumakas si Sanvicente at nagtago na mula noon.

Kinasuhan ng Mandaluyong police si Sanvicente ng bigong pagpatay at pag-abandona sa biktima sa ilalim ng Article 275 ng Revised Penal Code. Kinansela naman ng Land Transportation Office (LTO ) ang driver’s license ni Sanvicente nang hindi ito lumutang para magpaliwanag. Hindi na umano siya maaring magmaneho makaraang bawiin ang lisensiya.

Nang matapos ang press con, malaya nang nakauwi ang suspect. Ayon sa PNP, hihintayin pa raw lumabas ang warrant saka pa lamang tuluyang gugulong ang kaso. Wala raw sa posisyon ang PNP para pigilin o ikulong ang suspect. Kamakalawa, hindi dumalo sa hearing ang suspect. Ayon sa abodado nito, wala silang natanggap na notice.

Ganyan ang mayaman kapag nakasagasa sa bansang ito. Kung jeepney driver kaya ang nakasagasa ganito rin ang sitwasyon? O binaril na ito ng mga pulis kung hindi makiko-operate. May press con din kaya kung mahirap ang nakasagasa. Tiyak na wala!

Ganito ang batas sa Pilipinas—para sa mga nakaaangat lang sa buhay.

JEEPNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with