^

Punto Mo

Mga hindi mo alam tungkol sa pagtatrabaho (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Mas doble ang tsansang maaksidente ng taong sa gabi ang schedule ng pagtatrabaho kaysa taong sa araw nagtatrabaho.

• Sa bawat 1,470 natatanggap na application letter ng ­employer, isa lang ang kanyang iha-hire doon.

• Bago maging batas ang Pregnancy Discrimination Act noong 1978, ang isang babaing Amerikano ay puwedeng tanggalin sa trabaho kapag nabuntis siya.

• Sa Russia, ang mga babae ay hindi puwedeng magtrabaho bilang truckers, ship captain, at iba pang 456 na trabaho dahil sobrang mapanganib ang mga trabahong nabanggit ayon sa kanilang gobyerno.

• Sa China, hindi pinapayagang maging minero ang mga babae dahil mahina sila sa pagbubuhat ng mabigat at hindi maliksing kumilos para iligtas ang sarili sakaling magkaroon ng pagguho ng lupa o anumang aksidente.

• Ang 10 kinikilalang best jobs in the world: Ben and Jerry’s Flavor Guru (nag-iimbento ng flavour ng ice cream); Water slide tester; Private Island Caretaker; Jack Daniel’s Taster; Netflix Tagger (tagapanood ng movie tapos sila ang magdedesisyon kung saang genre ika-category ang movie upang mabilis itong mahanap ng viewers na naghahanap ng mapapanood); Fortune Cookie Writer; Panda Nanny; Luxury Bed Tester; Video Game Tester; Google Trike Street View Team Member.

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user