^

Punto Mo

Pantapat sa krisis sa buong mundo: umiwas sa luho at bisyo

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PINAPAWISAN na ng malapot ang mamamayan dahil sa naging hagupit ng pandemya sa pamumuhay pero hanggang ngayon, pilit pa rin tayong inaambahan ng bangungot nito. Kaya hiniling na ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion III na alisin na ang alert level sa mga lugar na may 70% na ang mga bakunadong residente upang maipagpatuloy na ang normal na galaw ng tao at maisulong na ang pangkabuhayang adhikain.

Kung pagbabasehan nga naman ang nakaraang pagbugso ng mga tao sa mga rallies ng mga pulitiko, mag-iisip talaga tayo nang malalim. Bakit hindi lumaki ang bilang ng nagkasakit gayung nagbungguan ang mga pisngi at sumabog ang mga laway sa pagpupugay sa mga iniidolong artista. Di ba?

Tama rin naman si Concepcion na pag-ibayuhin na lamang ng Department of Health ang kanilang trabaho. Makiayon din ang mamamayan sa ibayong pag-iingat na itatagubilin ng DOH. Halos naimbalido na ang ekonomiya kaya maraming umaasa na lamang sa ayuda ng gobyerno. Hanggang kailan ang itatagal ng kaban ng bayan?

Sa loob ng ilang araw, mararamdaman na natin ang sinasakal na ekonomiya ng bansa. Malaking dagok ito sa haharaping pamamahala ni president-elect Bongbong Marcos. Nakalubog na sa utang ang bansa at kailangan ang alternatibong pamamaraan kung papaano masu-sustain ang ating pangangaila­ngan. Iwas pulitika muna mga tsokaran, wala munang kantiyawan!

Kailangang makapagtalaga si BBM ng mga ekspertong financial, economics at crisis managers para pangasiwaan ang napipintong pagdaluyong ng kahirapan sa bansa. Pandaigdigang krisis ito na idinulot ng hidwaan sa mga bansang pinanggagalingan ng langis. Magtipid at umiwas muna sa mga bisyo at luho.

JOEY CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user