^

Punto Mo

Kung magiging ‘vegetarian’ ka

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Sa maraming pag-aaral na ginawa, napatunayang ang plant-based diet ay nagpapabilis ng metabolism kaya mas mabilis matunaw ang calories, mga 16 percent faster kaysa meat-based diet sa first 3 hours pagkatapos kumain.

Bakit mas mabilis matunaw ng ating katawan ang plant-based diet? Kasi ang  ngipin ng tao ay dinisenyo para panggiling ng halamang pagkain at hindi para pangngalot o pampunit sa makunat na karne.

Ang pinakaunang Vegetarian Society ay itinatag sa England noong 1847. Ang layunin ng society ay ipaunawa sa mga tao na posibleng maging malusog kahit hindi kumain ng karne.

Ang average American ay nakakakain ng higit-kumulang na 100 kilos ng karne kada taon. Hindi kasama dito ang seafoods.

Iba’t iba ang klase ng vegetarians. Ang pinakaistrikto ay tinatawag na “vegans”. Hindi lang karne ng hayop ang iniiwasan nilang kainin kundi lahat ng produktong galing sa hayop kagaya ng cheese, itlog, gatas, etc. Hanggang ngayon ay pinagdedebatihan pa rin sa vegan community kung kabilang ang honey sa dapat nilang iwasan dahil galing ito sa insekto na kapamilya ng hayop.

Sa theology, sinasabing ang vegetarian diet ay nababagay sa Christian values dahil naka­paloob dito ang hindi pagkain ng karne ng hayop. Ang hindi pagkatay ng hayop ay may koneksiyon sa awa at pakikiramay sa mga ito.  (Itutuloy)

vuukle comment

VEGETARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with