^

Punto Mo

Password nabibilang na ang mga oras?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MULA nang mauso at mapalaganap ang internet, isa sa mga pinaiiral na seguridad laban sa mga cybercriminal ang paggamit ng mahigpit na password at pana-panahong pagpapalit nito. Kailangan ang password para mabuksan ang isang  email address, account sa iba’t ibang website at social media para mapangalagaan ang seguridad, personal data, ari-arian  at privacy ng bawat tao o institusyon, organisasyon o ahensiyang  gumagamit nito.

Pero dumarating ang panahon na nakikitaan ng maraming butas ang mga password. Nagagawa pa rin ng mga cybercriminal na mabuksan at manakaw ito at makuha ang mahahalagang impormasyon para makapanloko, makapandugas  at makapagsamantala kahit meron nang tinatawag na two-factor verification.  Bukod dito, lubhang matrabaho at maabala ang paglikha ng mahihigpit na password kaya may mga tao na gumagamit ng magagaan at  magkakaparehong password sa iba’t ibang account sa internet na lubhang mapanganib.

Pero, para sa ilang mga eksperto sa ganitong teknolohiya, isang nakikitang mas higit na user-friendly at secure system ang biometrics na nakikitang puwedeng pamalit sa password.  Convinient, madali at mas ligtas ang biometrics na ginagamit na sa buong mundo. Sa katunayan, tinatawag na biometrics ang finger sensor at  facial reader na nagagamit sa maraming cell phone sa kasalukuyan. Marami nang bangko, pampubliko at pribadong tanggapan at organisasyon at ahensiya ang gumagamit na ng biometrics para makilala o maberipika ang katauhan ng  isang tao.  Maging ang passport ay ginagamitan na rin ng biometrics.

Napaulat nga kamakailan sa El Pais at ibang site na pumayag na ang Apple, Google at Microsoft na ipatupad ang password-less system na ipinapanukala ng Fido Alliance na itinatag ng iba’t ibang technology companies noong 2013 para hindi na gaanong umasa ang mundo sa mga password. Hindi pa ganap na naisasakatuparan ang kasunduan pero kinikilala nila na ang password ay pabigat sa mga user at industriya. Merong pagkakasundo na tuluyan nang lumipat sa biometrics at ibasura na ang mga password.  Ayon sa isang opisyal ng Fido, unti-unti nang mawawala ang mga password. Nabibilang na ang oras ng mga ito.

Ayon sa Kaspersky, ang biometrics ay biological measurement o physical characteristic na magagamit para makilala ang isang indibidwal. Kabilang  sa mga biometric technology ang fingerprinet mapping, facial recognition at retina scan. Ilan ding kakaibang identifier sa biometrics ang hugis ng taynga, paraan ng pag-upo at paglalakad ng isang tao, boses, amoy ng katawan at mga ugat sa kamay.

Sinasabi ng Kaspersky na ang biometric identification ay merong lumalaking papel sa araw-araw nating seguridad. Fixed at individualized ang pisikal na katangian ng bawat tao maging sa kaso ng mga kambal. Ang kakaibang biometric identity ng bawat tao ay magagamit na pamalit o pagsuporta sa password system sa mga computer, telepono at maging sa mahigpit na pagpapapasok sa isang kuwarto o gusali. Kapag nakuha at nai-mapped na ang biometric data, itinatabi ito para maikumpara sa mga pagtatangkang magbukas nito sa hinaharap. Kadalasan, ang data na ito ay encrypted at nakaimbak sa isang gadget o isang remote server.

 

Email: [email protected]

 

vuukle comment

CYBERCRIMINAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with