^

Punto Mo

Libreng sakay, ‘di man pangmatagalan, marami ang natulungan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ABA’Y hindi maitago ang kasiyahan ng marami nating kababayan na halos araw-araw eh sumasakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa ikalawa kasing  pagkakataon  muling pinalawig hanggang sa Hunyo 30 ang libreng sakay dito.

Isang buwan na namang mae-enjoy ng mga commuters ang free ride program na ito ang ibinalita ng Department of Transportation (DOTr).

Marso 28 hanggang Abril 30 napagpasyahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at DOTr Sec. Arthur Tugade na magkaloob ng libreng sakay sa MRT. Tulong ito sa mga mananakay na Pinoy na maibsan kahit papaano ang kanilang pasanin at  gastusin dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at ilang bilihin.

Inextend ito ng isa pang buwan na dapat ay magtatapos na sa katapusan ng Mayo. Pinalawig uli ito ng isa pang buwan hanggang Hunyo 30 sa mismong araw sa pagpasok ng bagong administrasyon ni president elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ramdam ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero dito mula nang ipatupad ang free ride.

Ayon nga sa pamunuan ng MRT-3 na umaabot sa halos 16 milyon ang naitalang total ridership sa MRT mula nang umarangkada ang libreng sakay.

Aminado ang MRT-3 na aabot sa P150 milyon hanggang P180 milyon ang mawawala nilang kita sa panibagong extension ng libreng sakay.

Gayunman, hindi naman matutumbasan ang malaking naitulong nila para maibsan ang  hirap na dinanas ng marami nating kababayan na halos ngayon pa lang bumabangon dahil  sa pandemya ng COVID.

Ang ganitong mga programa na bagamat hindi pangmatagalan ang talagang kailangan ng  ating mga kababayan.

Ito rin ang inaasahan ng marami sa susunod na administrasyon na ito ang ating aantabayan.

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with