Booster shot, ‘wag balewalain!

ILANG araw nang nagsisimulang magturok ng second booster sa bansa laban sa COVID-19.

Kabilang sa mga prinaprayoridad ang mga senior at healthcare workers .

Nauna nang binigyang priority  sa second booster ang mga immunocompromised adults.

At least apat na buwan matapos ang unang booster ay puwede na sila sa ikalawa.

Layunin nga nito na mapalakas pa ang proteksyon lalu na nga’t naglilitawan ang mga subvariant ng Omicron.

Malakas  na din ang panawagan na tuluyan na itong ibigay sa lahat ng adult age group.

Advertising
Scroll to continue

Higit na sa 60 porsiyento ng mga Pinoy na ang nabakunahan, yun nga lang matumal pa rin ang nagpapaturok ng kanilang unang booster.

Kaya nga ngayong sinisimulan na ang ikalawang booster, mas lalong hinihikayat ang mga fully vaccinated na Pinoy na magpaturok na ng kanilang booster.

Malaking bagay ang isinagawang vaccination program ng pamahalaan.

Hindi tayo nagpahuli  ang Pinas sa pagtugon sa pandemya.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paghikayat sa mga mamamayan na magpaturok ng karampatang bakuna sa COVID-19.

Kasi nga hindi lang ang kani-kanilang sarili ang kanilang natutulungan, kundi ang buong komunidad o buong bansa.

Hindi nga ba’t , matapos ang mga naging kampanya at mismong halalan, pinaniniwalaang muling magkaroon ng COVID surge.

Pero mukhang nalampasan na rin natin at walang nangyaring ‘surge. Kung may bahagyang pagtaas sa kaso, wala na umano itong kinalaman sa mga naging aktibidad sa nakaraang halalan.

Kaya nga isa ang pagbabakuna, para malabanan ang COVID. Hindi rin dapat kalimutan ang patuloy na pagsunod sa pinaiiral na health protocols.

 

Show comments