^

Punto Mo

CCTV muna, bago permit sa negosyo, isinusulong ng DILG!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malaki ang naitutulong ng mga nakakabit na closed-circuit television (CCTV) systems sa iba’t ibang lugar sa bansa sa pag­sugpo at paglutas sa krimen.

Marami na ang nakakalat na ganyan, sa mga pangunahing lansangan at iba’t ibang mga tanggapan.

At dahil nga sa kahalagahan nito, may paghikayat ang  Depart­ment­ of the Interior and Local Go­vernment (DILG) mga lungsod at munisipalidad sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ay ang magpasa ng mga ordinansa hinggil sa pagpapatupad ng ‘No CCTV, no business permit’ policy.

Kung tutuusin naman kasi, talagang marami ng mga negosyo maliit man o malaki eh may mga nakakabit ng CCTV sa kanilang mga establisimento.

Marahil kung may ilan man na wala pa ay dahil sa talagang maliit lang ang negosyo o estabilismento na talagang hindi kakayanin ang pagbili o gastusin dito.

Layunin kasi ng DILG sa panukalang pagsusulong ng ganitong uri ng polisiya ay para makatulong sa seguridad at kaligtasan ng publiko.

Magiging malaking tulong aniya sa pagtiyak ng public safety, kung gagawing requirement ng mga LGUs ang paglalagay ng mga CCTV bago maisyuhan ng business permits ang mga establi­­si­mento na mayroong malaking bilang ng mga kostumer, at yaong mga risk o hazard-prone, ayon nga kay DILG Secretary Eduardo M. Año.

Ito na umano ang tamang panahon kasi nga, nakakabalik na muli ang normal na pamumuhay matapos ang sunud-sunod na lockdown.

Ibig lang sabihin tambak na ang mga nasisilabas ng bahay at kabilang dyan ang mga kawatan at mga kriminal na nagpaplano na namang magsagawa ng kanilang mga ilegal na aktibidades.

Nagiging mata, 24/7 ang mga CCTV na dahilan rin kaya madalas na napipigilan ang pag-atake ng mga kriminal at kung umatake man, kahit papaano ay nagkakaroon agad ng lead sa kaso dahil nga sa kuha ng camera.

Maganda ang layunin sa panukalang ito, pero sana ay malinaw o mapag-aralan pa kung anong mga negosyo   ang kailangan munang may   CCTV bago bigyan ng permit at i-pass muna ang maliliit na negosyo na baka hindi kayanin gastusin dito.

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with