95-anyos na lalaki at kanyang 84-anyos na nobya, ikinasal sa U.K.!

ISANG 95-anyos na lalaki sa Cardiff, United Kingdom ang nagpatunay na walang maaga o late sa pag-ibig matapos­ siyang magpakasal sa unang pagkakataon sa kanyang one true love!

Nakilala ni Julian Moyle ang kanyang bride na si Va­lerie Williams, 23 taon na ang nakalilipas sa Cavalry Baptists Church sa Cardiff, U.K. Si Va­lerie ay 84-anyos na ngayon.

Noong nakaraang Pebrero 2022, nag-propose si Moyle kay Valerie at nagpakasal sila noong nakaraang Huwebes (Mayo 19) sa simbahan kung saan din sila unang nagka­kilala. Dinaluhan ng 40 nilang kamag-anak at kaibigan ang kanilang pag-iisang dibdib.

Ipinanganak sa Australia si Moyle at nag-migrate sa U.K. noong 1954. Soloist siya sa Welsh National Opera. Dahil tutok sa kanyang career bilang singer, hindi naging prio­rity ni Moyle ang pag-aasawa noong kanyang kabataan.

Pagkatapos ng kanilang kasal, nagtungo ang newly­weds­ sa Australia para sa kani­lang honeymoon.

Sina Julian Moyle, 95, at kanyang bride na si Valerie Williams, 84.

Show comments