^

Punto Mo

EDITORYAL - Trapik sa Metro Manila buhul-buhol na naman

Pang-masa
EDITORYAL - Trapik sa Metro Manila buhul-buhol na naman

ALAM n’yo bang bilyong piso ang nasasayang araw-araw dahil sa matinding trapik sa Metro Manila? Napakalaking halaga nang nawawalang pera dahil sa trapik na kung tutuusin ay maaari namang masolusyunan.

Sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), umaabot sa P3.5 bilyon ang nasasa­yang araw-araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Sa estimate ng JICA, mawawalan ng P5.4 billion araw-araw ang Pilipinas sa pagsapit ng 2035 kung hindi gagawa ng karampatang solusyon sa trapik. Marami pang masasayang kung hindi gagawa ng mahusay na paraan ang pamahalaan.

Mula nang magluwag ang restrictions COVID sa Metro Manila noong Pebrero, marami nang sasakyan ang yumaot at marami na ring empleyado ang pumapasok sa kani-kanilang opisina na dati ay naka-work from home. Balik na rin ang pagsisiksikan sa pagsakay sa bus, Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Pinakakawawa ang mga sumasakay sa bus sapagkat sila ang apektado ng trapik. Kahit pa may sariling lane ang mga bus sa EDSA, naiipit din sa trapik dahil sa dami ng mga pribadong sasakyan.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), umaabot sa 405,000 ang mga sasakyan sa Metro Manila bago ang pandemya. At sa nakikitang pagsisikip ng trapiko ngayon, malapit na raw maabot ang 405,000 lalo pa’t malapit nang ipatupad ang face-to-face classes. Asahan daw na sa susunod na buwan ay baka lalo pang tumindi ang bigat ng trapik sa mga pangunahing lansangan sa MM.

Kung titindi pa ang trapik, dapat nang gumawa ng aksiyon ang MMDA para mapagaan ito. Buksan ang mga alternate route. Alisin ang mga sagabal sa kalsada gaya ng vendors at mga nakaparadang sasakyan. Gibain din ang mga basketball court na nasa kalsada at pati mga car wash at talyer  na sinakop na ang kalsada.

Atasan ang mga traffic enforcers na ayusin ang daloy ng trapiko at hindi ang pagkukumpulan sa malilim na bahagi ng flyover o footbridge. Hindi na maaalis ang pagbubuhul-buhol ng trapiko pero sa tamang sistema at mahusay na pamumuno, masosolusyunan ito. Huwag na sanang umabot sa punto na bilyones na pera ang nasasayang sa trapik araw-araw. 

METRO MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user