^

Punto Mo

Pulis-QCPD, nang-agaw ng baril?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAG-IWAN nang maraming katanungan ang kaso ni PEMS Celedonio Caunceran Jr., na namatay sa custody ng mga ahente ng Bureau of Customs. Ang pinakamatinding tanong ay uso pa ba ang “nanlaban” na tinalikuran na ng kapulisan dahil sa pakikialam ng Human Rights groups? Ang kaso ay iniimbestigahan na ng mga tauhan ni Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, ang director ng Manila Police District (MPD) dahil, ayon sa mga Marites ay may bahid ng kalokohan. Araguuyyyyy!

Inutusan naman ni CIDG director Maj. Gen. Ely Cruz si Col. Randy Glenn Silvio, ng CIDG NCR, na magsagawa ng parallel investigation sa kaso ni Caunceran samantalang si Brig. Gen. Remus Medina, ang director ng Quezon City Police District (QCPD) ay naghihintay lang ng autopsy report bago isalang kung anong aksiyon ang kanyang gagawin. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Maging ang kapwa ahente ng gobyerno ay hindi naniniwala sa bersiyon ng Customs sa kaso ni Caunceran, ‘no mga kosa? Mismooooo!

Ayon naman sa report ni Gen. Francisco, si Caunceran, na naka-assign sa DHSU ng QCPD, ay nakorner ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) sa kanto ng 15th St., at Railroad Drive ng 5:15 p.m. noong Biyernes dahil sa paglabag sa gun ban. Sa inisyal na report, pinagsuspetsahan si Caunceran na nasa likod nang sunud-sunod na pag-ambush sa Customs officials sa Metro Manila. Owwwwww?

Dinala si Caunceran sa mezzanine floor ng CIIS office. Pagkaraan ng ilang sandali, nagpaalam si Caunceran kay SAI Lugtu para gumamit ng kubeta. Kinalagan ng posas ni Lugto si Caunceran. Paglabas umano ni Caunceran sa kubeta, bigla nitong inagaw ang baril ni Lugto. Habang nagpapambuno ang dalawa, lumapit si IO Elizer Mangili at binaril si Caunceran sa ulo at dibdib. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Talagang walang balak na buhayin si Caunceran ah, anang mga kosa kong Marites. Mismooooo!

DOA na si Caunceran sa ospital. Nakumpiska ng MPD forensic unit sa crime scene ang assorted IDs ni Caunceran, P17,400 cash, license plate No. NE77310, isang raincoat, a Cal. 45 Remington, isang 9mm pistol at mga magazine at bala. Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung talagang may balak si Caunceran na «manlaban» abaaaa, dapat noong hinuhuli nakipagbarilan na siya dahil dalawa ang baril niya. Nadisarmahan na siya at nasa custody na ng CIIS, tsaka lang n’ya naisipang lumaban? Ang labo ano mga kosa? Tsaka itong pang-aagaw ng baril ay lumang estilo na at wala ng naniniwalang Pinoy dito.

Sa pagkamatay ni Caunceran, hindi na matutukoy kung sino ang mastermind nitong pag-ambush sa Customs officials, na ayon sa mga Marites, ang motibo ay «bukolan». Dipugaaaaa! Dapat siguro pumasok na rin si Justice Sec. Menardo Guevarra sa kaso dahil ayaw niya ng EJK, di ba mga kosa? Dapat ipilit din ni Guevarra sa CIIS kung ano ang ebidensiya nila sa akusasyon na si Caunceran ang nasa likod ng pag-ambush sa Customs officials dahil kung wala, malaki ang posibilidad na na-fake news sila. May punto, di ba mga kosa? Mismooooo! Abangan!

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with