Ginger (32)

‘‘ANO ba ang name ng papa at mama mo, Marie?’’ tanong ni Anton habang patungo na sila sa bahay ng mga ito sa Sta. Ana.

‘‘Carlos po ang papa ko at Susan ang mama ko.’’

“Anong nickname ni Papa Carlos at Mama Susan.’’

“Carlos lang po at Susan.’’

“Okey. Ituro mo lang sa akin ang way patungo sa inyo sa Sta. Ana.’’

“Opo Sir.’’

Advertising
Scroll to continue

“Teka, naroon ba sina Papa at Mama mo ngayon?’’

“Naroon po.’’

‘‘Wala silang work?’’

‘‘Retired na po sila pareho.’’

“Ah okey.’’

‘‘Ako po ang bunso nila, Sir.’’

“Ikaw ang nag-iisang babae ano?’’

“Opo.’’

‘‘Ilan ba kayong magkapatid?’’

‘‘Tatlo po.’’

‘‘May  pamilya na ang dalawa mong kuya?’’

“Opo.’’

‘‘Ikaw na lang ang kasama ng papa at mama mo sa inyong bahay?’’

‘‘Opo.’’

‘‘Mabait naman sina Papa at Mama ?’’

‘‘Mabait po. Kaya po natatakot akong magtapat sa kanila baka hindi nila matanggap ang sasabihin ko.’’

“Ah kapag mabait ang magulang, mauunawaan nila ang lahat. Maniwala ka sa akin na patatawarin ka nila at balik ang kaligayahan sa bahay n’yo.’’

“Salamat po Sir.’’

“Huwag ka nang iiyak.’’

“Hindi na po.’’

Nakatingin lang si Ginger.

Pinansin siya ni Anton.

‘‘O Ginger, natahimik ka.’’

“Wala po akong masabi Sir. Pero masaya ako para kay Marie.’’

“Malulutas ang problema niya mamaya-maya lang.’’

Hanggang sa sapitin nila ang bahay nina Marie sa Sta. Ana.

Nakaharap nila ang mga magulang ni Marie na sina Papa Carlos at Mama Susan.

Hindi na nagpaliguy-ligoy si Anton at sinabi ang dahilan nang pagdalaw sa mga magulang ni Marie.

(Itutuloy)

Show comments