^

Punto Mo

Ginger (31)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI inaasahan ni Ginger ang pagtulong na gagawin ni Anton kay Marie.

‘‘Totoo Sir? Ikaw ang kakausap sa parents ni Marie?’’ tanong nito.

“Gaya nang narinig mo, Ginger.’’

“Malaki pong tulong kay Marie ang gagawin mo, Sir.’’

‘‘Ikaw man, Ginger, malaki rin ang gagawin mo kay Marie. Pareho tayong may gagawing papel. At palagay ko, magtatagumpay tayo.’’

“Ganyan din po ang kutob ko Sir. Matutulungan natin si Marie. Lahat po nang problema ay may kalutasan, di ba?’’

“Korek ka diyan, Ginger.’’

Binalingan ni Ginger si Marie.

‘‘Pahirin mo na ang iyong luha, Marie at lutas na ang problema mo. Dalawa kami ni Sir na magpapaliwanag sa parents mo. Huwag ka nang mamroblema. Kasi kung mag-iisip ka nang mag-iisip ay baka maapektuhan ang baby mo. Batay sa mga nabasa ko, nakakaapekto sa baby ang pag-iisip sa problema. Mas malaking problema kung mangyayari ‘yun.’’

Hinawakan ni Marie ang kanang palad ni Ginger.

“Hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano, Ginger. Salamat sa inyo ni Sir.’’

‘‘Mamaya ka na magpasalamat kapag naayos na ang lahat.’’

Napangiti si Marie.

Nagsalita si Anton.

‘‘Kapag nagtagumpay tayo sa gagawin natin, mamaya, ililibre ko kayo ng lunch bukas.’’

‘‘Wow, ibang klase si Sir ah,’’ sabi ni Ginger.

‘‘Magseselebreyt tayo.’’

‘‘Ang bait mo pala Sir,’’ sabi uli ni Ginger.

Ngumiti lang si Anton.

Nang mag-alas singko ng hapon, umalis na sila.

Habang nasa sasakyan ni Anton, nagkukuwentuhan sila. Payapa na ang loob ni Marie. Nagkaroon ng pag-asa sa pagtulong ni Anton at Ginger. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with