^

Punto Mo

Tone-toneladang basura, nasamsam!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ILANG araw matapos ang isinagawang halalan noong Mayo 9, hindi pa rin pala tuluyang nalilinis ang mga ikinabit na campaign materials ng mga kumandidato.

Kaya nga nanawagan na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections (Comelec) na atasan na ang mga tumakbo noong nagdaang halalan na alisin na ang kani-kanilang ikinabit na   campaign materials.

Nanalo man umano o natalo, lahat umano ay may obligasyon para linisin ang kanilang ikinalat.

Sa  loob ng nakalipas na sampung araw matapos ang halalan, nasa 600 na tonelada ng campaign materials ang nasamsam sa ginawang paglilinis sa NCR pa lamang.

Hindi pa yan 100 porsiyento na nalilinis kaya asahang madadagdagan pa ang mga ito.

Target ng DILG na sa linggong ito matapos ang paglilinis sa Metro Manila, habang naghihintay pa sila ng update sa kanilang regional offices.

Iyan talaga ang hirap, pagkatapos ng  halalan kahit pa makiusap sa mga tumakbo, mistulang wala nang naririnig.

Masusumpungan kung saan-saan na lamang nakatambak ang mga campaign materials na pinangangambahan pa ngang maging sanhi pa ng pagbaha.

Lalo na nga’t idineklara na ng PAGASA ang pagpasok ng tag-ulan sa bansa.

Kung hindi agad malilinis, pwede pa ngang bumara ito sa mga daluyang tubig.

Meron naman kasing ilan, ibinaba o binaklas ang mga nakakabit at nakabiting campaign materials pero hindi naman hinakot at nakatambak lang sa kung saan-saan.

Matagal nang nagbigay-taning dito ang DILG, pero mukhang marami pa rin ang wala nang paki.

GARBAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with