^

Punto Mo

May nabuntis na alien

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Li Jun Huang ay isang magsasaka na nabubuhay ng tahimik at maligaya sa piling ng kanyang misis at dalawang anak sa isang probinsiya sa China. Isang gabi ng 1984 habang nagpapahinga sa ilalim ng puno na nasa tapat ng kanilang bahay, may kakatwang ilaw na nasulyapan siya sa kalangitan. Ang liwanag ay hindi nakakasilaw sa mata dahil nakita niya na ang liwanag ay pinaghalong kulay ng violet, blue at green. Sa una ay natuwa siya dahil maganda ang kombinasyon ng mga kulay pero nang makapag-isip-isip, ang tuwa ay nabahiran ng takot. Saan nanggaling ang liwanag? Sino ang may likha ng liwanag? Kinilabutan siya kaya pumasok na lang sa kanilang bahay at tumabi sa kanyang misis at mga anak na natutulog na nang oras na iyon.

Ilang minuto ang lumipas, biglang may lumitaw na isang ‘‘nilikha’’ sa kanilang kuwarto. Ang nilikha ay mukhang pangkaraniwang tao na nagtataglay ng mukha at katawan ng babae ngunit may makapal na balahibo sa legs at may anim na daliri. Ang isa pang kakaiba sa nilikhang ito ay ang kanyang height na 10 feet.

Namalayan na lang ni Li Jun na nagtatalik na sila ng mahiwagang babae nang nakalutang sa ere, sa ibabaw ng natutulog niyang misis at mga anak. Tumagal ang pagtatalik ng ilang minuto. Pinigil ni Li Jun na sarilinin na lang ang nangyari dahil natatakot siyang pagbintangan na nababaliw. Pagkaraan ng isang buwan, bigla na namang nagpakita ang mahiwagang babae. Lagi nitong itinataon na natutulog na ang kanyang mag-iina. May sinag ng ilaw na itinapat sa kanyang katawan. Ito ang humigop sa kanya upang maisama siya nang sapilitan sa isang napalaking sasakyan. Korteng star ang sasakyan na mas malaki pa sa eroplano. Ipinasok siya roon at sinabihan ng isang lalaki na isisilang ang kanyang anak mga 50 months mula sa araw na iyon. Sa isip lang siya kinausap ng lalaki.

Napilitang ipagtapat ni Li Jun ang lahat sa kanyang asawa. Wala kasi silang pinag-aralan kaya’t ang nagsabi na alien ang tawag sa mga nilalang na nakaharap ni Li Jun ay ang propesor na kakilala nila. Ang propesor din na ito ang nag-imbita sa mga scientist upang interbyuhin si Li Jun. Isinailalim siya sa lie detector test at nakapasa naman. Ibig sabihin ay totoo lahat ang kanyang ikinuwento.

Ang nangyaring UFO abduction kay Li Jun ang hindi makakalimutan ng buong Chinese community dahil may pagtatalik at pagbubuntis na nangyari. Tuluyan nang nakalimutan ng mga tao ang nangyari nang hindi nalaman ni Li Jun ang katotohanan tungkol sa “UFO at Babaing higante” na nabuntis daw niya.

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with