^

Punto Mo

EDITORYAL - E-sabong patuloy ang operasyon

Pang-masa
EDITORYAL - E-sabong patuloy ang operasyon

MARAMI ang hindi sumusunod sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Año ukol sa pagpapatigil ng e-sabong. Tila hindi na mabisa ang kanyang babala noong nakaraang Mayo 3 na itigil na ang e-sabong. Wala nang natatakot kay Año? Wala nang kamandag ang kanyang pananalita?

Sa mga kamay ni Año ipinaubaya ni President Duterte ang pagpapatigil sa e-sabong. Siya ang kinunsulta ng presidente ukol sa online na sugal kung ipagpapatuloy ito o hindi. Pinag-aralan ni Año ang e-sabong at nagbigay siya ng rekomendasyon sa presidente—ihinto na ito. Nakinig ang presidente at ura-uradang itinigil ang e-sabong. Hulihin ang mga lalabag. Napagtanto ng presidente na sinisira ng e-sabong ang values ng mga Pilipino.

Pero marami ang hindi sumunod kay Año. Sa kasalukuyan, naglipana ang illegal online sabong websites at patuloy na nakakataya ang mga Pilipinong nahumaling na sa online sabong. Patuloy ang kanilang pagtaya kaya tumatabo ng kita ang mga nagmimintina ng online sabong. Kabilang sa mga nahuhumaling at sugapa na sa online sabong ay mga kabataan. Madali lang tumaya sapagkat cell phone lamang ang gamit. Napakadaling  maglaro at madali ring matalo.

Sa isang iglap, simot ang pinaghirapang kitain. Hindi na makabawi hanggang lubog na sa utang. Ang iba para makabayad sa utang, magnanakaw. Ang iba, ibebenta ang sariling anak para makabayad. Gagawin ng mga addict sa e-sabong ang lahat para makabawi na hindi naman nangyayari. Ang pagkasira ng pamilya ang kinahahantungan ng lahat.

Ang paglipana nang maraming online sabong websites ay nararapat paimbestigahan ni Secretary Año. Kung hindi siya kikilos, para ano pa ang kautusan ni President Duterte. Kailangang matukoy ang mga nag-o-operate ng illegal e-sabong at parusahan ang mga ito. Hindi dapat manaig ang bisyong ito na marami nang winasak na buhay.

Noong una, ayaw makinig ni President Duterte sa panawagang itigil ang e-sabong sapagkat malaki ang buwis na kinikita rito ng pamahalaan—P640 milyon bawat buwan—subalit dahil sa rekomendasyon ni Año, pinili niyang ipatigil ito.

Katulungin ng DILG ang Philippine National Police (PNP) para madaling matunton ang operators ng illegal e-sabong. Huwag lubayan ang mga ito hanggang sa tuluyan nang mawala ang sugal na sumisira sa buhay nang mga Pinoy na lulong dito.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with