^

Punto Mo

Giyera sa droga, nakatulong sa pagbaba ng krimen sa bansa

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NASA 50 porsiyento ang ibinaba ng krimen sa buong bansa sa nakalipas na mahigit limang taon sa administrasyon ni Pangulong Digong. 

Iyan ang iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ni Undersecretary Epimaco Densing III.

Base sa rekord ang bilang ng mga krimen na naitala sa nasabing panahon ay nasa 1.35 milyon, na kalahati lamang ng 2.7 milyong krimen na naitala mula taong 2010 hanggang 2015.

Nakikitang pangunahing dahilan dito, ay ang inilunsad na malawakang drug on war ng Duterte administration.

Hindi nga ba’t nang maupo si Pangulong Duterte, ipinangako niyang uubusin niya ang sindikato ng droga?

Talagang may malaking konek ang mga iyan, dahil na rin sa karamihan sa nagaganap na karumal-dumal na mga krimen ay gawa ng mga taong lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Kaya nga kung masusugpo ang illegal drugs, malaki ang maitutulong nito para mapababa ang krimen sa sa bansa.

Hindi maikakaila, na dating naging tambayan ang bansa ng mga malalaking drug lords. Kadalasan pa ngang dito nagtatayo ng mga drug laboratory ang mga ito.

Ilan kasing kalapit bansa natin, matindi ang parusa sa mga sabit sa droga, meron silang death penalty eh tayo wala.

Kaya nga karamihan sa mga malalaking sindikato dito nagtayo ng kanilang illegal drugs trade.

Eh umupo si Pangulong Digong na mahigpit ang bilin sa kampanya sa ilegal drugs. Natakot ang marami, nasumpungang maging ang mga user nagsilutangan sa mga awtoridad at nagsisuko at natakot sa banta ng pamahalaan.

Kaya marahil malaki ang naitulong ng drug war na ito sa pagbaba ng krimen sa bansa.

Ngayong patapos na ang termino ni Pangulong Digong, malakas din ang panawagan ng marami sa susunod na administrasyon na maipagpatuloy ang nasimulang laban sa droga ng pamahalaan.

Kundi man tuluyang masawata at matapos, kahit kasi papaano eh nakakatulong ito para mabawasan ang operasyon ng mga sindikato.

 

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with