^

Punto Mo

Isda

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PAGTITINDA ng isda sa isang pamilihang bayan sa kanilang lugar ang ikinabubuhay ni Luisa. Minsan ay may matandang babae na tumawad sa kanyang tindang hito. Ang tawad nito ay 50 percent ng original price per kilo ng isda. Palibhasa ay katatapos lang ng pakikipag-away niya sa asawa bago siya umalis ng bahay para magtinda sa palengke, mabilis nag-init ang ulo ni Luisa sa pambabarat ng matanda sa kanyang paninda.

“Sariwa ho ang tinda kong isda, ‘yang tawad po ninyo ay para sa bilasang isda!”

“Ang taray mo naman. Puwede kang tumanggi sa maayos na paraan. Hindi naman ako namimimilit.”

“Hus, dami mong sinasabi. Umalis na nga ho kayo. Minamalas mo ang hanapbuhay ko.”

Bago umalis ang matanda ay tinapunan nito si Luisa ng isang matalim na irap.

Kinagabihan ay sumama ang pakiramdam ni Luisa. Hindi na siya makakain ng hapunan dahil sa tindi ng sakit ng kanyang tiyan. Ang nakakapagtaka parang may nararamdaman siyang gumagalaw sa loob ng kanyang tiyan. Walang magawa ang kanyang mister kundi hilut-hilutin ang kanyang tiyan para kahit paano ay maibsan ang kirot na nararamdaman sa tiyan. Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating ang anak na dalaga ni Luisa.

Ikinuwento ni Luisa ang nangyaring pakikipagtalo niya sa isang matanda at iyon ang hinala niyang dahilan kung bakit bigla siyang nagkasakit. Lingid sa kaalaman ni Luisa, ang anak niyang nasa kolehiyo ay miyembro ng isang “secret organization” sa unibersidad. Ito ay witchcraft society na ang layunin ay gamitin sa positibo ang enerhiya mula sa universe. Sa madaling salita, white witchcraft. Isa na rito ay pagpapagaling ng taong kinulam.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang anak ni Luisa na marunong na palang magpagaling ng kinulam. May inilabas itong amulet, itinapat ito sa tiyang sumasakit. May sinambit itong mantra upang magkaroon ng power ang amulet. Maya-maya ay biglang nagsuka si Luisa. Ang lumabas sa bibig ay limang maliliit na isda na kasinglaki ng dilis. Ang tatlo ay patay na ngunit ang dalawa ay kumikisay-kisay pa. Gumaling ang pakiramdam ni Luisa na parang nagdahilan lang. Simula noon, iniiwasan na niyang magtaray sa mga kostumer kahit pa ito ang pinakabarat na tao sa balat ng lupa.

FISH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with