^

Punto Mo

Single mom sa India, nagpanggap na lalaki sa loob ng 36 na taon para maitaguyod ang kanyang anak!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAAGANG nabiyuda sa edad na 20 si S. Petchiammal matapos atakehin sa puso ang kanyang asawa. Mag-isa na lang niyang itinataguyod ang kanyang anak kaya napilitan siyang magtrabaho bilang construction worker at bellboy sa mga hotel.

Dahil sa klase ng mga trabaho na kanyang pinapasok, madalas makaranas ng pangmamaliit at pambabastos si Petchiammal mula sa mga katrabahong lalaki. Ito ang nagtulak sa kanya na magpanggap at mamuhay bilang isang lalaki.

Lumipat si Petchiammal kasama ang anak sa malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila. Ito ay upang maging madali ang pagbabago niya ng identity. Kalakip ng pagbabago ng identity, pinalitan niya ang kanyang pangalan at kinilala na siya bilang si “Muthu”. Dahil sa pagbabago ng pagkatao, mas naging madali na sa kanya na matanggap sa trabaho.

Napanindigan ni Petchiammal ang pagpapanggap sa loob ng tatlong dekada, ngayong may sarili ng pamilya ang kanyang anak, nagpasya na siya na umamin sa mga kakilala na siya ay isang babae. Kumalat sa social media ang life story ni Petchiammal at maraming naantig at humanga sa kanyang tapang at determinasyon na itaguyod mag-isa ang kanyang anak.

Ngunit kahit umamin na siya sa kanyang tunay na pagkatao, mas pinili pa rin niya na mamuhay bilang si Muthu dahil nasanay na siya sa identity na ito.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with