^

Punto Mo

Mga gerilya na e-sabong, nanghihikayat ng mananaya!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGULAT si kosang Fernan Angeles nang biglang sumulpot sa kanyang celfone ang imbitasyon para tumaya sa online sabong. Sa tanang buhay niya, ani kosang Fernan, ay hindi pa s’ya nakapasok sa sabungan kaya’t nagulat siya kung bakit naisama sa marketing strategy ng online sabong. Nahagip lang kaya si kosang Fernan ng text blast? Talagang naghahanap ng players ang online sabong, di ba mga kosa kong Marites na sabungero?

Itong nagkalat na text blast ay patunay lang na tuloy pa ang e-sabong kahit iniutos na itong ipasara ni President Digong noong Mayo 3. Matigas talaga ang ulo nitong mga operators ng e-sabong at hayagang sinusuway si President Digong na sa tingin nila ay lameduck na. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Si Interior Sec. Eduardo Año kaya may kakayahang habulin ang pasaway na operators ng online sabong? Dipugaaaaa!

Para sa kaalaman nina President Digong at Sec. Año, ganito po ang mensahe na ikinakalat ng e-sabong operators: “Register to get 588P, online cockfighting betting field, easy bet on your mobile phone, thousands of people on line, quick payment. Web:https://bit.ly/37vhYaq.” Ang nagpadala ng mensahe ay ang celfone No. +639353430484. Ang link na phbet40.bet naman ay may kung anu-anong bonus scheme para maengganyo ang mga adik sa online sabong. Hihihi!

O hayan puwede nang utusan ni Sec. Año ang Anti-Cybercrime Group ng PNP para habulin ang mga nasa likod ng mga e-sabong links, hulihin para maparusahan, di ba mga kosa? Tiyak hindi na makakatulog nang mahimbing ang may-ari ng dalawang e-sabong links dahil bilang na ang mga araw ng palaro nila. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Dipugaaaaa!

Sinabi ng mga kosang kong Marites na may halos 50 operators ng gerilya na e-sabong ang hayagang nag-ooperate sa ngayon sa bansa. Ang ilan sa kanila ay may camera sa kanilang mga sabungan na nag-live feed ng larong sabong sa kanilang mga parukyano sa abroad. ‘Yaong walang camera sa sabungan naman ay nagrerenta sa may camera sa halagang P80,000 kada araw para may magamit sila sa e-sabong nila.

Maraming e-sabong operators ang nagrerenta sa may camera na sabungan sa Pasay City at sa San Mateo, Rizal, anang kosa kong sabungero na Marites. Hayan! Parami nang parami ang tip ko kay Sec. Año kaya dapat ikumpas niya ang kanyang kamay na bakal para masunod ang kautusan ni President Digong na i-padlock ang e-sabong. Hak hak hak! Alamin din ni Sec. Año kung saan napupunta ang 65 percent na kita ng mga sabungan. Dipugaaaaa!

Habang patuloy na nag-ooperate ang e-sabong, ang kawawa ay itong gobyerno ni President Digong. Dati-rati kasi P640 milyon kada buwan ang pumapasok sa kaban ng bayan subalit sa ngayon ay bokya. Mismooooo! Samantalang itong gerilya operation ng e-sabong ay limpak-limpak ang kita nila at higit sa lahat tax-free pa sila. Araguuyyyyy! Ang tanong ng mga Marites na sabungero sa ngayon; Nagkamali kaya si President Digong sa pagsara ng e-sabong? Dipugaaaaa! Ano sa tingin n’yo mga kosa kong sabong afficionado? Abangan!

SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with