^

Punto Mo

Kalat sa halalan, basta na lang iniwan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Noong nakalipas na linggo nagbigay ng tatlong araw na taning ang Department of Local Government (DILG) para bak­lasin at linisin ang mga campaign materials na ginamit sa kampanya noong nakalipas na halalan.

Ngayon, isang linggo matapos ang halalan, marami pa ring lugar ang kasalukuyang nagdidilim pa rin sa mga ikinabit na campaign materials ng mga kandidato.

Kung tutuusin hindi lang ito, trabaho ng local government units (LGUs), kundi obligasyon ito ng lahat ng mga tumakbo sa halalan.

Kasi nga mukha nila ang mga nakabandera sa kung saan-saang lugar na ito na ikinabit ng kanilang mga supporters, sana naman eh magkusa o atasan na rin nila ang kanilang mga taga-suporta na tumulong sa paglilinis.

Huwag din itong iasa sa mga nanalo, maling katwiran na natalo ka kaya bahala na ang nagwagi na maglinis ng ikinalat mo.

Ganun din naman kung nanalo ka.

Huwag na tayong lumayo dito na lang sa Metro Manila, kung iikutin ang rehiyon, aba’y talagang makikita ang sangkatertba pang campaign materials.

Bagama’t may kautusan na ang ilang LGUs na malinis na ito, pero hindi pa rin nakakasapat para sa madaliang paglilinis.

Kaya kailangan ang mga kumandidatong nanalo o natalo, eh magkusa na kahit ‘yung mga mukha na lamang nila ang alisin at ipaligpit, malaking tulong na ito.

Ito kasi ang palaging nagiging sistema pagkatapos ng halalan.

Sana eh masanay na rin ang mga kumakandiodato  na pagkatapos ng eleksyon kanya-kanyang ligpit ng kalat.

Ang masusumpungang hindi nakakatugon, eh kasuhan o pagmultahin.

Dapat may ngipin din dito ang mga kinauukulan para hindi laging ganito ang kalat pagkatapos ng halalan.

DILG

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with