^

Punto Mo

Pinakamatangkad na aso sa buong mundo, matatagpuan sa Texas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang two year old na Great Dane mula sa Texas ang pinarangalan ng Guinness World Records bilang pina­ka­matangkad na aso sa buong mundo.

Inanunsyo ng Guinness noong Marso 22, 2022 na ang asong pagmamay-ari ni Brittany Davis na si Zeus ay ang kasalukuyang record holder sa kategor­yang “Tallest dog living (male)” matapos itong sukatin sa taas na 3 feet, 5.18 inches tall.

Ayon kay Davis, eight months old pa lamang si Zeus nang iregalo ito sa kanya. Tuta pa lamang si Zeus ay ma­laking aso na ito at napakalapad ng mga paa nito.

Nagsimula lamang sa katuwaan sa isang family gathering ng mga Davis ang ideya na si Zeus ang pinakamatangkad na aso sa buong mundo.

Nang pinasukat nila sa isang veterinarian si Zeus, lalong lumaki ang hinala nila kaya nagsumite sila ng aplikasyon sa Guinness.

Hindi inakala ng pamilya Davis na magi­ging world record holder si Zeus. Dahil­ sob­rang­ proud sila sa achievement ng kani­lang alagang aso, nakadisplay ang Guinness certificate ni Zeus sa kanilang living room.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with