^

Punto Mo

Tapos ng halalan, sigaw na dayaan, asahan na yan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

TALAGANG pagkatapos ng halalan, asahan kasunod niyan eh ang sigaw nang dayaan.

Siyempre, may mga kandidato na hindi agad natatanggap ang kanilang pagkatalo.

Pero meron din naman, na hindi na pinagtatagal na kung nakikita nilang wala nang pag-asa ay nagko-concede agad  at tanggap ang resulta ng halalan.

Sa mga nag-iingay ng dayaan, ok lang naman karapatan nila na malinawan ang lahat lalo nga at dikit ang laban sa kanilang katunggali.

Pero ganyan lang naman yan, paglipas ng araw huhupa rin ang ingay at sana nga eh tuluyan nang makabalik sa normal ang bansa.

Kung may reklamo man, sana ay idulog sa tamang tanggapan at hindi sa lansangan.

Hindi rin naman dapat na isantabi ang sinasabi ng mga natalo o natatalo.

Mismong si Pangulong Digong ay naniniwala na walang naganap na dayaan at hindi rin naman umano siya papayag na magkaroon nito sa  nagdaang halalan.

Gayunman, kailangang maimbestigahan ang sinasabing mga pumalyang voting counting machines (VCMs).

Ito kasi naman ang isa sa sinisilip ng ilang nagpoprotesta sa halalan kaya kailangang mabusisi para mawala ang anumang pagdududa.

Pero ganyan lang naman yan, paglipas ng araw huhupa rin ang ingay at sana nga eh tuluyan nang makabalik sa normal ang bansa.

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with