^

Punto Mo

Tapos ng halalan, COVID naman, binabantayan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ANG susunod na dalawang linggo ang siya ngayong binabantayan ng mga health expert, dahil dito kasi malamang na makita ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID.

Ito ay matapos ang mga naganap na malalaking events dulot ng mga kampanya at ng isinagawang halalan.

Sa mga nakalipas na araw nasaksihan naman natin ang pagdagsa ng mga tao sa mga polling precinct. Sa ibang lugar hindi na magkaumayaw sa dami, talagang may ilang tagpo na hindi na talaga nasunod ang pinaiiral na health protocols.

Huwag naman sanang bumilis ang hawaan lalo at ngayon eh maganda na rin kasi ang sitwasyon sa kasalukuyan kung COVID ang pag-uusapan.

Ito marahil ay dahil sa marami na ang bakunado, yung nga lang maliit pa rin ang bilang ng mga nagpaturok ng booster.

Ayon nga sa mga health experts, kung titignan ang incubation period ng virus, lima hanggang pitong araw bago lumabas ang mga sintomas.

Sana nga ay tuluyan na itong mapigilan at bumaba nang tuluyan ang kaso.

Ang good news dito, kung mas mababa na umano sa 200 ang kaso ng COVID sa bansa, posible na ring hindi na gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask.

Tinatantiya nga ito na posibleng makamit ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.

Pero hindi naman dapat maging kampante at dapat tuloy ang pag-iingat kasabay nang pagpapaigting pa sa pagbabakuna.

Kaya ngayon patuloy rin tayong magbantay sa mga susunod na araw.

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with