^

Punto Mo

Mas maikling notice para sa resignation, puwede ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Balak ko na pong mag-resign sa trabaho dahil may ibang kompanya na nag-recruit sa akin at nag-alok ng mas malaking sahod. Ang problema ko po ay for urgent hiring daw ang position ko kaya kung tatanggapin ko raw ang offer nila ay ­kailangan kong magsimula kaagad. Tanong ko lang po kung maari ba akong mag-file ng resignation ng less than 30 days ang notice? Balak ko pong gawing 15 days o mas maikli pa ang notice kung sakali. —Ben

Dear Ben,

Kailangan mong basahin ang nakasaad sa iyong employment contract kung gaano ba katagal dapat ang notice na ibibigay mo sa iyong kompanya bago ka mag-resign sa trabaho. Kung walang nakalagay sa iyong written contract, o kung wala kang written contract, ipagpapalagay na 30 days ito alinsunod sa Labor Code.

Papaano kung mas maikli ang ibinigay mong notice sa kung anong nakalagay sa iyong employment contract o sa 30-day notice na nakasaad sa Labor Code? Maari kang sampahan ng reklamo ng iyong employer kung nagdulot ng pinsala ang iyong biglaang pag-alis sa iyong trabaho.

Bagama’t kadalasan naman ay pinapalampas na lang ng mga kompanya ang maikling notice of resignation ng mga empleyadong umaalis dahil gagastos pa nga naman sila sa abogado at magiging abala pa kung magsasampa sila ng demanda, mahalaga pa ring tandaan na kailangan ng mga employer na mabigyan ng sapat na panahon para makapaghanap ng papalit sa empleyadong paalis.

Dahil dito, karapatan ng employer na magsampa ng demanda kung nagdulot sa kanila ng pinsala  ang naging biglang pag-alis ng empleyado, lalo na kung mapatunayan na may hindi magandang hangarin ang empleyado at sinasadya niya talagang labagin ang kanyang employment contract (Eviota vs. Court of Appeals, G.R. No. 152121, 29 July 2003).

RESIGNATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with