^

Punto Mo

Pinakamataas na puno ng papaya sa buong mundo, matatagpuan sa Brazil!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG magsasaka sa Brazil ang nakatanggap ng Guinness World Record dahil matatagpuan sa kanyang bukid ang pinakamataas na puno ng papaya sa buong mundo.

Noong 2021, napansin ni Tarcisio Foltz na hindi na pangkaraniwan ang taas ng isang puno ng papaya sa kanyang farm sa Nova Aurora. Gamit ang drone ng kanyang kaibigan sinukat nila ang puno at natuklasan nila na may sukat ito na 47 feet. Maihahambing ang taas nito sa isang gusali na may apat na palapag.

Nang malaman nila ang taas nito, kumuha sila ng mga magsusukat para isumite ito sa Guinness World Records committee. Ang opisyal na sukat ng puno ay 47 feet and 8.83 inches. Tinalo nito ang previous record holder mula sa India na may taas na 46 feet.

Natutuwa si Foltz na napabilang ang kanyang pangalan sa Guinness Book of World Records at excited na siyang maipagmamalaki niya ito sa kanyang mga anak at mga apo.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with