^

Punto Mo

Mga e-sabong operators, niloloko si President Digong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS President-elect Ferdinand Marcos Jr.!

• • • • • •

Pinaglololoko ng mga operators ng e-sabong si President Digong. Kasi nga mga kosa, nagtatalsikan ang laway ni President Digong sa kauutos na ipasara na ang e-sabong subalit hindi naman pinapansin ang order niya. Sa katunayan, sinabi ng mga Marites na sabungero na tuloy naman ang e-sabong sa Nueva Ecija, Cavite, Visaya ay kay alyas Teves at sa Mindanao kay alyas Benitez. Araguuyyyyyy! Ang kaibahan lang, patago na ang operation nitong e-sabong kaya napupuna ng mga Marites na sabungero na maliit lang ang tayaan o kubransa rito. Subalit kahit kokonti ang taya, kaon pa rin ang mga operators ng gerilya na e-sabong dahil hindi sila nagbabayad ng tax sa gobyerno. Dipugaaaaa!

Isinugal ni President Digong ang pagkawala ng P640 milyon na kita sa e-sabong para lang isara ang naturang palaro dahil sa hindi masawatang kaso ng patayan subalit napaglalangan pa din siya ng mga operators nito. Araguuyyyyyy! Hak hak hak! Naging lameduck si President Digong dito sa patuloy na operation ng e-sabong. Tumpak! Hihihi! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Para mahinto talaga itong e-sabong, ang dapat gawin ni President Digong ay ipagbawal ang larong sabong dahil ginagamit lang ito na source ng palaro. Ganito pala ang modus operandi ng mga operators ng e-sabong President Digong Sir! Nagpapakabit ng walo hanggang 15 cameras ang mga operators sa kanilang sabungan para kunan ang pasabong. Dito sa camera ay may tinatawag na “mirror” at ito ang nagpapadala ng link sa iba’t ibang bahagi ng mundo para makapanood ng live feed ng sabong ang mga parukyano nila.

Sinabi ng mga Marites na sabungero na hindi basta-basta makita itong “mirror” maliban na lang kong IT expert ka. Ang mga operators naman ang siyang magbibigay ng link sa mga kliyente nila at bibigyan nila ang mga ito ng apps kung saan sila tataya. Kapag nagpa-cash out naman ang mga kliyente kapag nanalo, inihuhulog ang pitsa sa banko. Kaya walang bulilyaso rito sa makabagong sistema ng mga operator ng gerilyang e-sabong. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kahit paano ay may pumapasok na pitsa sa bulsa ng mga operators ng gerilya na e-sabong at ang naiwang tulala ay ang gobyerno ni President Digong. Mismooooo!

Sa totoo lang, sa sistemang ito ng mga gerilya operators ng e-sabong, mahihirapan ang kapulisan na hulihin itong operations nila. Kaya ang No. 1 solution diyan, ayon sa mga Marites na sabungero, ay totally i-ban ang sabong. Kasi nga kung walang sabong, wala ding live feed na ikakalat sa abroad ang mga operators. Wala silang pagkakuhaan ng resulta ng palaro nila kaya’t matic na sarado talaga ang e-sabong. Araguuyyyyy! Anong sey n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kung seryoso si President Digong na ipahinto ang e-sabong, alam na niya ang dapat gawin, di ba mga kosa? Tumpak!

Kapag naipasara naman ang sabong, ang maaapektuhang maigi ay ang mga breeder ng panabong na manok. Mismooooo! Abangan!

E-SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with