^

Punto Mo

Lola sa France, inuwi ang nakadispley na jacket sa isang art museum at pina-alter ito para magkasya sa kanya!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INARESTO ang isang senior citizen sa France matapos nitong nakawin ang isang jacket naka-display sa Picasso Museum sa Paris sa pag-aakalang may nakaiwan lang nito.

Ang jacket na naka-display ay artwork ng visual artist na si Oriol Vilanova at kabilang ito sa serye ng kanyang mga obra na pinamagatang “Old Masters”.

Binigyang laya ni Vi­la­nova ang mga visitors ng museum na hawakan at damahin ang kanyang mga obra ngunit hindi niya akalain na isa sa mga ito ay iuuwi ang jacket!

Noong nakaraang Marso, isang hindi pinangalanang 72- anyos na ginang ang nagnakaw ng jacket at dinala ito sa kanyang mananahi para ipa-alter sa sukat ng kanyang katawan.

Sa tulong ng CCTV ng museum, mabilis natukoy ang identity ng magnanakaw. Lalo pang dumali ang trabaho ng mga kapulisan nang bumalik sa museum ang senior citizen at doon na mismo ito inaresto.

Agad na umamin ang senior citizen na kinuha niya ang jacket at nagdahilan ito na hindi niya alam na isa itong artwork at akala niya ay may nakaiwan lang nito kaya naisipan niyang iuwi ito sa kanyang bahay. Nabawi ang jacket ngunit maliit na ito at maikli na ang sleeves.

Pagkatapos ng interogasyon, pinakawalan ang senior citizen ngunit isasailalim siya ng gobyerno sa tinatawag na “legal guardianship” upang mabantayan ang kan­yang mga ikinikilos at hindi na ulitin ang kanyang nagawang kasalanan.

 

 

vuukle comment

FRANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with