^

Punto Mo

Eleksyon na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ETO na ang araw na pinakakahihintay.

Eleksyon na!

Inaasahan na walang anumang magiging malaking mga problema, na kahaharapin  at gaya nga nang inihayag ng Comelec noong nakalipas na linggo handang-handa na sila sa pagdaraos ng halalan.

Sila ang punong-abala lalu na sa araw na ito.

Nakatuon sa kanila ang paningin ng taumbayan.

Alas-6 ng umaga magbubukas ang mga polling precinct, senyales na simula nang maglagak ng kanilang boto ang mga Pinoy at magtatapos ito ng alas-7 ng gabi.

Mas makabubuti umano na maaga nang bumoto at huwag nang hintayin pa ang mga last minute o yung humahabol pa sa pagsasara. Maliban na nga lang na may matinding kadahilanan.

Ilang paalala nga ngayong botohan, wag sanang malibang sa pagboto at maging kampante at makalimutan ang pinaiiral na health protocol.

Siguradong dadagsa ang mga tao sa mga polling precinct kaya kailangan handa rin tayo sa mga panlaban sa virus.

Isa pa nga, para maging maayos ang lahat iwasan ang init ng ulo.

Huwag naman na konting kibot reklamo, alamin muna nating mabuti at baka magagawan ng paraan, wait -wait lang. Dyan kasi lalung nagtatagal ang proseso kapag marami ang dikusyunan.

Kung maaari pagkatapos na bumoto, uwi na.

Huwag nang maging usisero at mag-Maritess pa sa paligid ng botohan.

Ika nga, wag nang maging pasaway at maging dahilan pa nang pagsisikip sa lugar.

Konting panahon na lang at matatapos na rin ang toxic na botohan na ito.

Ngayon kung sino naman ang tanghalin manalo, sana naman eh igalang ng bawat isa.

Ibang klase ang botohang ito, maraming matinding nangyari ang naganap kampanya pa lamang. Naghari ang mga galit sa magkakabilang panig, nagkasira maging ang mga pamilya.

Kasi nga lumala ang mga negative campaigning.

Naghari ang mga sirain, mas malaki ang porsiyento nang batikos kaysa sa narinig na mga plataporma.

Sana nga lang pagkatapos ng halalan, tuluyan na ring matapos ang mga pangit na dulot ng mga isinagawang kampanya sa nakaraan.

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with