^

Punto Mo

Dumi ng hayop

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGSIMULANG mag-figure skating si Vera Wang noong bata pa. Anak siya ng mayamang mag-asawang Chinese na namalagi na sa Amerika noong 1940s. Noong 1968 and 1969 U.S. Figure Skating National Championships, siya at ang kanyang partner na si James Stuart, ay nakakuha nang  fifth place sa junior pairs competition. Ito ang nagtulak sa kanya para mangarap na makasali sa  US Olympic Team.

Sa kasamaang palad, kulang pa siya sa expertise kaya hindi siya nakasali. Noon niya ibinaling ang kanyang ikalawang skill sa fashion industry. Nabigo man sa unang pangarap na makilala sa figure skating, ngayon naman ay sikat siyang designer ng bridal wear sa America.

Kaya lang kumuha ng nursing course si Amy ay para makasunod siya sa kanyang ate na nasa U.S. Nurse din ito at nakapag-asawa ng Amerikano. Ang plano ng ate niya ay ipapasok siya sa ospital na pinaglilingkuran niya pagkatapos makapasa sa board exam.

Ngunit napakahirap palang mag-apply ng visa sa  U.S. Ilang beses siyang na-denied kaya pag-aasawa na lang ang inatupag niya. Nagtayo si Amy at asawa nito ng negosyo sa probinsiya, na hindi niya akalaing ito ang magpapayaman sa kanya. Mas mayaman pa siya ngayon kaysa kanyang ate.

Ang “masamang kapalaran” daw kung minsan ay parang tae ng hayop. Mabaho, madumi, nakakadiri pero kapag inihalo mo sa lupa ay nagsisilbi itong fertilizer na tutulong upang maging mabunga ang isang halaman.

Kaya kung nabigo ka sa kabila ng mga pagsisikap at pagdalangin sa Diyos, huwag mawalan ng pag-asa. Sa likod ng mga kabiguan ay may sorpresa palang biyaya na naghihintay sa atin.

OLYMPIC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with