^

Punto Mo

Consultant, may karapatan ba sa overtime pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May karapatan ba ako sa overtime pay kung under lang ako ng consultancy agreement sa pinapasukan kong kompanya? —Jenny

Dear Jenny,

Kailangan mong basahin ang iyong consultancy agreement para masagot mo ang iyong katanungan. Bilang consultant kasi ay hindi ka kabilang sa mga tinatawag na rank and file employees ng kompanya kaya tanging ang pinirmahan mong consultancy agreement ang magtatakda sa kung ano ang maari mong matanggap na kompensasyon para sa iyong serbisyo sa kompanya, kabilang na ang overtime pay.

Ngayon, ito ay kung consultant ka ngang talaga. Minsan kasi ay hanggang sa title lang ang pagiging “consultancy agreement” ng isang kontrata dahil kung babasahin mo naman ang mga nilalaman nito, katulad ng mga tungkulin  ng “consultant” at ang antas ng kontrol sa kanya ng kompanya, kabilang na ang pagtatakda ng oras ng kanyang trabaho, ay makikitang wala siyang pinagkaiba sa mga regular na empleyado. Kung naka-isang taon na siya sa trabaho ay maari nang ipagpalagay na isang regular employee ang consultant sa ilalim ng batas, kahit ano pa ang nakasaad sa kontrata.

Kung ganyan ang iyong sitwasyon, na wala namang ipinagkaiba ang iyong trabaho sa mga regular employees at hindi bababa sa isang taon na ang iyong paninilbihan sa kompanya, maaring sabihin na isa kang regular employee na may mga karampatang benepisyo sa ilalim ng batas, kabilang na karapatan na mabayaran ng overtime pay.

OVERTIME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with