Ginger (18)

PILIT na inaalala ni Anton ang sasabihin kay Ginger pero talagang nag-block ang isip niya. Ano itong nangyayari sa kanya? Ngayon lang nangyari na hindi niya maalala ang sasabihin kay Ginger.

Inalala niya kung tungkol sa trabaho ang sasabihin niya rito pero hindi niya mahagilap sa isip. Baka tumatanda na siya. Baka kaya senyales ng Alzhiemers disease ah! Ayon sa mga nabahasa niya, palatandaan daw ng Alzhiemers ay hindi maalala ang mga sasabihin.

“Sir!’’

Nagulat siya sa pagsasalita ni Ginger.

‘‘O Ginger?’’

“Aalis na po ako, Sir.’’

Advertising
Scroll to continue

“Sige Ginger.’’

Alas singko na pala. Uwian na.

“E naalala mo na po ba ang sasabihin mo Sir?’’

“Hindi pa eh. Talagang hindi ko maalala.’’

“Baka bukas po, maaala mo na.’’

“Sana nga.’’

“Hindi naman po tungkol sa trabaho?’’

‘‘Hindi. Hindi sa trabaho.’’

“Baka po mayroon akong pagkakamali sa nagawa ko at pagsasabihan mo ako.’’

“Naku hindi!’’

“Baka po tungkol sa malapit nang matapos ang probation period ko.’’

Nag-isip si Anton.

“Hindi rin yun. Pero mabuti at pinaalala mo. Kailangang ma-regular ka na at maitaas ang salary grade mo.’’

“Salamat po Sir.’’

“Walang anuman.’’
“Sige Sir, alis na po ako.’’

‘‘Sige Ginger. Bukas siguro naalala ko na ang sasabihin sa iyo.’’ (Itutuloy)

Show comments