^

Punto Mo

Babaing ililibing sa Peru, nagising habang nasa loob ng kabaong!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGIMBAL ang mga dumalo sa libing ng isang babae sa Peru matapos marinig na kumakatok ito mula sa loob ng kanyang kabaong para ilabas siya mula rito!

Noong isang buwan, naging biktima ng car accident ang 36-anyos na si Rosa Isabel Cespedes Callaca ng Lambayeque, Peru. Pansamantalang na-comatose si Callaca ngunit binawian din ito ng buhay matapos ang ilang araw.

April 26, 2022 ang araw ng libing ni Callaca at habang nasa prusisyon para ihatid na ang bangkay nito sa sementeryo, nakarinig ang mga kamag-anak at mga nakikiramay ng katok na nanggagaling mula sa loob ng kabaong!

Dahil sa ingay mula sa loob ng kabaong, binuksan ito at ­laking gulat ng mga tao na nakamulat ang mata ni Callaca at pawis na pawis ito. Agad siyang dinala sa Referential Hospital Ferrenafe at kinumpirma ng mga doktor na may na-detect pa silang vital signs ngunit mahina na ito. Sa kasamaang palad, namatay din si Callaca matapos ang ilang oras na ibinalik siya sa ospital.

Sa kasalukuyan, naglunsad ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa Peru upang malaman kung may medical malpractice na naganap sa pagdeklara ng kamatayan ni Callaca.

vuukle comment

COFFIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with