^

Punto Mo

Andrea, maagang gumimik

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andrea, maagang gumimik

Hanga ako sa confidence ni Andrea Brillantes sa sarili niya, Salve. Talagang over the top ang mga gimmick niya, makeup, outfit, salita, basta maloka ka na feeling in na in ang dating niya.

Siguro nga merong tapang dahil bata pa, kaya keber ang kilos at salita niya. Pero masyado siyang maaga gumimik ng ganun, sandali lang ang attention span ngayon, baka after a year lang laos na ang gimmick niya.

Sana she acted and just be herself muna dahil bata pa siya, dahan-dahan ang ginawa niya, hindi biglaan. Ngayon ‘yung mga gimmick niya patok, pero hanggang kelan tatagal? Baka magsawa agad gaya ng big ribbons niya, tanggalin agad, hah hah hah. Ok din siya mag-isip ng gimmick, bongga, sana makatulong sa career niya. Maging brilliant sana ang Andrea Brillantes.

Init ng panahon, sanhi ng pagiging bayolente ng iba

Parang nakakapagod ngayon lumabas, Salve at Gorgy. Kasi nga ang init kaya para bang ang dali mong mapagod at magpawis kaya mas masarap pa na naka-standby ka lang sa bahay.

Kaya ang saya natin na nag-promise ng Korean trip si Rhea Tan ng Beautederm ‘pag bukas na ang Korea para sa mga tourist. Tiyak na mapaiba lang ang scenery, happy na tayo. Ewan ko ba bakit sobrang init ngayon kaya siguro medyo mainit din ang ulo ng mga tao sa paligid kaya medyo may na­ririnig kang nag-aaway at madaling maging violent. So ingat-ingat sa paligid, Salve at Gorgy, huwag nang lalabas kung ‘di importante, masyadong mataas ang init factor pati ang ulo ng mga tao. Tara na nga, hanap na tayo ng mas malamig na lugar.

ANDREA BRILLANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with