^

Punto Mo

Ariella, nakakonek agad kay Tony!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ariella, nakakonek agad kay Tony!              

First time nagkatrabaho sina Tony Labrusca and Ariella Arida sa Vivamax Original Movie na Breathe Again mula sa direksyon ni Raffy Francisco.

Aminado si Tony na kinabahan din siya dahil may mga love scene pa sila pero naging masaya naman daw ang kanilang shooting.

 “I think, hindi naman maiwasan na kung mayroon kang hindi pa nakakatrabaho, kinakabahan ka nang kaunti kung makakasundo mo sila or something.

“Ang gusto ko lang, maging kumportable si Ara (Ariella), kasi siyempre, medyo sexy ‘yung film, so I just wanted her to be comfortable. And ‘yun nga, I think, nakatulong na nasa dagat kami. So chill vibes lang. Everybody was super-fun to work with,” sey ni Tony.

Ayon naman kay Ariella, bago pa man sila nag-shoo­ting ay nagkaroon sila ng training for diving at doon pa lang ay nakilala na raw niya kahit paano si Tony.

“Especially nasa dagat kami and iba kasi ‘yung nabibigay na vibe ng dagat, eh. Mas relaxed, so it helped us better na we connected ins­tantly. So, walang problema at all,” ani Ara.

Kasama rin si Ivan Padilla sa pelikula bilang isa rin sa leading men ni Ara at kapwa siya may intimate scenes sa dalawang aktor. When asked kung paano niya iko-compare ang love scenes niya with the two, aniya ay magkaiba raw.

“Magkaibang dynamics siya kasi magkaiba rin ang pinanggagalingan ng role. I would say, with Ivan, kasi we’re coming from a long relationship, so that kind of intimacy, ‘yung makikita mo talaga sa matagal nang mag-partner compared to an intimacy na parang ‘yung spark just ignited, so you could tell the difference from that pa lang,” she said.

Hindi na bago kay Miss Universe Philippines (2013) Ariella ang paggawa ng mga maseselang eksena matapos maging bahagi ng mga pelikulang tulad ng  Sarap Mong Patayin at More Than Blue.

Ipalalabas ang Breathe Again sa Vivamax sa June 3, 2022.

TONY LABRUSCA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with